Saan Matatagpuan ang Pambansang Museo?

Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay naitatag noong 1901 ng pamahalaan ng Pilipinas. Layunin nitong mapangalagaan ang mga likas at kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag konserba ng mga ito. Dahil dito, muli nating nababalikan ang ating kasaysayan at nagkakaroon din tayo ng karagdagang kaalaman tungkol sa ating kasaysayan. Hindi lumaon ay naging isa sa mga atraksyon na ito sa Pilipinas. Pinupuntahan ito ng mga turista at mga Pilipino na gustong malibang at matuto. Nang lumawak ang koleksyon sa museo, nagkaroon ng iba’t ibang gusali upang mas maging organisado at maayos ang pagpapakita ng mga ito.

Ang Pambansang Museo ng Pilipinas

Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918.

Pambansang Museo ng Antropolohiya

Ang karatig na gusali sa Agrifina Circle ng Liwasang Rizal na dating gusali para sa Kagawaran ng Pananalapi ay siya ngayong nagbabahay sa Dibisyon ng Antropolohiya at Arkeolohiya na kinikilala bilang Museo ng Lahing Pilipino (Museum of the Filipino People).

Pambansang Museo ng Likas na Kasaysayan

Ang gusali naman na ito ay matatagpuan sa  Agrifina Circle sa Rizal Park, Manila.

Gawa ni: Daguman, Kaye

Mag-iwan ng puna