
Ang Pambansang Museo ng Likas na Kasaysayan ay ang pinaka bagong bukas na parte ng ating National Museum. Nitong Mayo lamang ito pormal na binuksan sa publiko upang maipakita ang ganda ng makabagong disenyo ng gusaling ito, lalong lalo na ang mga relica sa iba’t ibang eksibit na mayroon dito. Ang pinaka unang mapapansin ng mga tao pag pasok sa gusali ay ang elevator na nasa gitna ng pasukan na kilala bilang The Tree of Life. Nakaka halina ito sa mata lalo na’t patungo ito sa kisame na kinuhaan ng inspirasyon sa isang canopy. Nagbibigay ito ng natural na ilaw at magandang anino sa lapag ng gusali. Ang pinaka sikat na eksibit dito sa Natural History ay ang replica ng buwayang si Lolong. Siya ang pinaka malaking buwaya na nabihag ng ating gobyerno. Ang kanyang balangkas ay nakasabit mula sa kisame ng Ayala Reception Hall. Ang replica naman ng kanyang eksaktong itsura ay nasa may pasukan. Ang iba pang makikita rito ay ang mga eksibit ng marine life, ang earth’s biosphere at glance at ang mga ginayang mga maliliit na mangrove forest pati na rin ang mga iba’t ibang dagat na mayroon tayo dito sa Pilipinas. Kung kayo naman ay mahilig sa sining at mga paintings, marami din mga tinatawag na botanical illustrations at mga paintings ang naka display dito. Bukod dito napaka rami pang dapat makita sa loob ng National Museum of Natural History, kahit ang mismong gusali nito ay maisasama na sa mga dahilan kung bakit maganda ideya na dalhin dito ang inyong mga mahal sa buhay. Itaas ang bandera ng ating bansa at ipagmalaki ang mga yaman na mayroon tayo!
Gawa ni: Balangue, Kyanarich