Ang aming pagpunta sa National Museum of Natural History ay hindi planado. Pauwi na kami mula sa National Library nang nadaan namin ang museo. Naisip namin ng aking nga kaibigan na libre lang roon at wala pa ni isa sa amin ang nakapasok na. Kaya naman dagli kaming pumasok at nagulat sapagkat bagamat Biyernes noong araw na iyon, mahaba ang pila papasok sa museo. Hindi naman kami naghintay nang matagal sa pila sapagkat may sistema at maayos ang pagpapapasok nila ng mga tao roon
Nang kami ay nakapasok na, ang una naming nakita ay ang magandang istruktura ng museo sa loob.

Kakaiba ang pagkagawa sa museo. Malamig at malinis ang museo nang aming naratnan, halatang nililinis nang mabuti at hindi pinababayaan kahit na maraming tao ang dumadayo roon.
Malaki ang loob ng museo at puro mga hayop, halaman at likas na yaman ng Pilipinas ang matatagpuan. Mayroon ring mga lugar sa museo na kung saan gumawa sila ng kweba na nirerepresenta ang tahanan ng mga paniki.

Bukod pa rito, mayroon ring mga dahon roon na prineserba sa matagal na panahon.

Ang mga hayop ay mayroong iba’t-ibang uri at klase, katulad na lamang nitong daga na kakaiba at hindi pang-karaniwan.

Tunay nga na mayaman ang Pilipinas pagdating sa likas na yaman. Kakaiba ang lahat ng uri ng hayop, halaman at iba pa. Napakaswerte natin sa ating bansa at ito ay dapat lamang na ating patuloy na ating alagaan sapagkat nag-iisa ang ating bansang Pilipinas.

Gawa ni: Garcia, Janella