Ang mga bagong itinayo at kumpuning Pambansang Museo ng Pilipinas ay matatagpuan sa lungsod ng Metro Maynila. Kakailanganing sumakay sa mga pampublikong transportasyon at maglakad ng ilang minuto upang makarating sa lugar na ito kung kaya’t hindi rin naging madali ang paglalakbay ng grupo. Iilan sa mga pampublikong sasakyan sa Pilipinas ay ang mga dyip, UV Express o FX, bus, tricycle at pedicab, at maging ang mga LRT at MRT.

Ang mga manlalakbay ay nagmula sa Vito Cruz kaya naman ito ang magsisilbing panimulang punto ng paggamit ng transportasyon. Ginamit nila ang dyip at nagbayad sila ng Php 8.00 sapagkat sila’y mga estudyante lamang ngunit ang pinakamababang pamasahe na maaaring ipambayad ng mga hindi estudyante o ‘senior citizen’ ay Php 9.00. Kapag ginamit ang dyip ang magiging babaan nito ay sa Kalaw Avenue, tatawid na lamang at maglalakad pa ng ilang metro upang matagpuan ang mga museo. Gumamit rin ang grupo ng Grab papunta sa mga museo. Ang Grab ay maihahalintulad sa mga taksi ngunit dito ay kakailanganing mag-‘book’ at nakapirmi na ang presyo nito hindi kagaya ng taksi. Subalit nga lamang ay malaking halaga ang kailangan sapagkat mahal ang mga ito.
Isa pang uri ng pampublikong sasakyan na maaaring gamitin papunta roon ay ang mga UV Express. Ito ay mga ‘air-conditioned’ na mga sasakyan kung kaya’t hindi masyado mahihirapan ang mga komyuters. Parehas din ang bababaan nito sa dyip kapag ito ang ginamit at maglalakad rin ng ilang metro ngunit Php 15.00 ang kailangang ipambayad upang makasakay dito. Ang bus na isang malaking pampublikong sasakyan na magkakasya ang tatlumpung (30) pasahero ay isa ring paraan upang makarating roon. Ang halagang babayaran ay mga nasa sampung piso pataas (Php 10.00+) at katulad ng UV at dyip ay parehas din ang bababaan. Ang panghuling pampublikong sasakyan ay ang mga LRT Trains. Ang babayaran lamang ay Php 13.00 subalit ang ang istasyon na bababaan ay sa ‘United Nations Station’ at mas mahaba-habang lakaran ang gagawin upang makarating sa mga museo. Maraming paraan ang pagpunta sa mga Pambansang Museo at ang karamihan sa mga ito ay delikado kung kaya’t kinakailangan na mag-ingat palagi at pagmasdan ang paligid dahil hindi na masasabi kung ligtas o nasa pahamak na ang isang tao.
Gawa ni: Reyes, Cheyenne