Kung mayroon mang isang natutunan ang grupo sa pagpunta sa mga Pambansang Museo, ito ay ang pangahalagan at ikalugod ang kultura ng iba’t ibang lugar na aming nabibisita mapa-lokal o internasyonal man iyan. Ang kada bansa, rehiyon o probinsya na aming mararating dahil sa aming mga paglalakbay ay may mga kakaibang at natatanging lugar, pagkain, tao, sining at karanasan na maibibigay sa amin; kung kaya’t ipinapakita namin ang mga tanawin sa mga dako ng mundo amin nang napuntahan kung saan nakakita kami ng kakaibang gandang nais naming ibahagi.
Ang Bayan ng Dilasag, Lalawigan ng Aurora ni: Kaye Daguman
Ang probinsya ng Aurora ay pinakakilala sa mga baybaying dagat nito. Madalas na puntahan ito ng mga turista upang makapagsurf sa mga karagatan na puno ng mga malalakas at naglalakihang alon.
Baler ang pinakakilala at madalas na dinadayo ng mga tao sa Aurora, ngunit ang Dilasag ay nasa hilaga lamang nito at naroroon din ang iilang baybaying dagat na puno ng mga malalaking alon at magagandang tanawin.
Sa Dilasag makikita ang dagat na may puting buhangin: ang Canawer Beach. “Mini Boracay” kung tawagin ng mga naninirahan dito.
Maliban sa mga karagatan, matatagpuan din dito ang Singep Falls. Ito ay maliit na talon na matatagpuan sa ibaba ng bundok.
Maliban sa mga dagat na may puting buhangin, mayroon din ditong dagat na may itim na buhangin kagaya ng matatagpuan sa Baler.
Tagaytay ni: Janella Garcia
Malamig ang simoy ng hangin at maaliwalas ang pakiramdam sa Tagaytay. Dito matatagpuan ang kapayapaang hinahanap ng nakararami. Magkasama kami ng kapatid ko na ninanamnam ang magandang tanawin at mapayapang lugar. Maganda ang lugar kaya perpekto ito upang makapagpakuha ng larawan bilang ala-ala sa lugar. Ang litrato ng masaya naming pamilya kung saan kami ay nakapagrelaks at nagkasama ng masaya at mapayapa sa lugar. Malinis ang lugar at nakabubusog sa aming mga mata ang bughaw na kalangitan at maberdeng mga puno at halaman.
Coron, Palawan ni: Nina Gaviola
Ang Coron, Palawan ay kilala, unang-una, sa mapayapa at maaliwalas na mga karagatan at dalampasigan. Ang isang halimbawa nito ay ang Dicantuman Beach na nakikita pa rin ang taglay na ganda kahit pa man hindi sumisikat ang araw sa kagiliran niya.
Ang isla ng Bulog Dos ay mayroong sandbar na lumilitaw lamang kapag oras ng low tide. Sa paligid nito ay maaaring mag-snorkeling para makakita ng iba’t ibang uri ng isda, corals atbp.
Ang Malcapuya Island ang tinatawag na Boracay ng Palawan.
Ang Malcapuya Island ay kilala dahil sa mahaba nitong dalampasigan, maputing bahungin at malinis na tubig dagat.
Maliban sa mga beach, marami ring mga lawa ang Palawan na may iba’t ibang halo at komposisyon ng tubig alat at tabang. Isa sa pinakakilalang lawa ay ang Lawa ng Kayangan na madalas nakikita sa mga postcard at blog ukol sa Palawan.
Ang Twin Lagoon ay isa ring kilalang tanawin sa Coron. Ito ay may dalawang lawa kung saan ang una ay daungan ng mga bangka at ang mas malaking pangalawang lawa ay kung saan pwedeng lumangoy ang mga turista.
Ang Barracuda Lake ay kilala dahil sa mga nakikitang barracuda, o malalking isda na namumuhay sa mga anyong tubig na may tubig tabang.
Hindi rin nakakalimot ang mga taga-Palawan sa kanilang relihiyon. Ito ay Saint Augustine Parish Church at nakumpleto lamang noong 2012 matapos simulan ang pagpapalaki noong 2011.
Ito ang krus sa taas ng Mt. Tapyas na kailangan ng 700 at higit pang hakbang upang maakyat. Ito’y nasira ng bagyong Yolanda noong 2013.
Sa tuktok ng Mt. Tapyas, makiita ang iba’t ibang maliliit na isla na nakapaligid sa Coron. Magkakaroon din ng magandang tanaw ng dapit-hapon.
Probinsya ng Bulacan ni: Bea San Pedro
Ito ang Philippine Arena sa Turo Bocaue, Bulacan. Ito ay isa sa pinakamalaking indoor arena sa buong mundo na pagmamay-ari ng mga Iglesia ni Cristo.
Ang Biak Na Bato sa San Miguel, Bulacan ay isa sa mga makasaysayang lugar sa Bulacan. Dito ideneklara ang Unang Republika ng Pilipinas na pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo.
Ang Mt. Manalmon ay matatagpuan sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan. Parte rin ito ng makasaysayan na Biak na Bato.
Ito ay ang Mt. Gola. Ito ang sinasabing twin peak ng Mt. Manalmon dahil magkatabi lang sila at parte din ito ng makasaysayan na Biak na Bato.
Ang Simbahan ni St. Andrew Kim Taegon sa Lolomboy Bocaue, Bulacan. Ito ay isang templo na naging pasyalan din ng mga tao. Pinamumunuan ito ng mga Koreanong madre sa nasabing lugar.
China ni: Rianne Alingarog
Ang Great Wall of China ay isa sa pinakakilalang imprastraktura na naitayo sa kasaysayan. Ito ay may haba na 20,000 kilometro nang ito’y tinayo ngunit sa haba ng panahon na lumipas at dami ng dayuhang sumakop sa mga intsik, 8,000 libo na lang ang natira dito. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon makaakyat dito, siguradong masusulit ang pagod mo sa matatarik na hagdan kapag nasilayan mo ang ganda ng kalikasan sa tuktok.
Ito ang Jade Museum na matatagpuan sa Beijing, China. Dito makikita ko ang iba’t ibang klase ng jade at kung paano nila ito ginagawa. Ang bawat gawa nila ay kakaiba at nagpapakita ng iba’t ibang kahulugan na maaaring magbigay ng swerte para sa iyo, sa pamilya, sa tahanan at maging sa iyong negosyo.
Ang Forbidden City ay tinayo noong 1400s para sa mga maharlika sa Tsina. Sinasabing ito ay may 9,999 na kwarto na sumisimbulo ng swerte para sa mga intsik. Ang buong palasyo ay binabantayan ng isang pamilya ng dragon na may iba’t ibang sinisimbulo- mayroon para sa pera at sa kalusugan ng bawat isa.
Kung ang Forbidden City ay para sa mga nabubuhay, ang Ming Tombs naman ay para sa mga mahaharlikang pumanaw na. Dito inilalagay ang mga labi ng hari na namuno sa kasaysayan ng tsina at sa pagpunta mo rito, masisilayan mo ang ilan sa mga kagamitan nila- mula sa damit patungo sa mga kubyertos at sulat nila.
Ang Thousand Buddha Mountain ay matatagpuannsa Jinan, China. Dito makikita mo ang iba’t ibang buddhang nakatayo, nakahiga at nakaupo na nilikha sa ginto at bato mula pa sa Dynastiya ng Sui (581-618). Mahaba man ang lakarin, siguradong ito’y sulit maging ikaw man ay katoliko dahil makikita mo ang kanilang sining. karagdagan dito, may mga tiyangge at kainan na pwede mong bilhan at rides na maaaring sakyan sa pag akyat mo ng bundok.
Japan ni: Kyanarich Balangue
Ang Japan ay kilala dahil sa kagandahan ng bansang ito. Ang mga magagandang tanawin at mga taong napaka galang at magigiliw sa mga bisita ay ang pangunahing rason kung bakit isa sa mga pinipiling puntahan ang bansang Japan.
Ang isang halimbawa ng mga magagandang puntahan ay ang templo na tinatawag na Toshogu Gojunoto. Ito ay matatagpuan sa Nikko, Tochigi. Ang litrato sa itaas ay kuha noong Disyembre 2017 kung saan kasalukuyang umuulan ng niyebe roon.
Ang Kegon Falls ay isang sikat na falls sa Nikko, Tochigi. Pinaka maganda ang tanawin nito kapag panahon ng tag- lagas. Ang mga puno sa tabi nito ay nagbibigay ng napaka gandang kulay sa paligid. Ngunit sa litratong nasa itaas, ito ang falls sa panahon ng tag- lamig. Nakagandang tanawin pa rin nito at nakaka mangha dahil ang tubig sa falls ay halos matigas na dahil sa sobrang lamig ng klima.
Ang Cup Noodles Museum ay isang tourist attraction na matatagpuan sa Yokohama, Japan. Naging puntahan ito ng mga turista dahil sa mga iba’t ibang mga aktibidad na puwedeng gawin dito. Isa na ang pag gawa ng sarili mong “cup noodles” at pag disenyo ng cup na paglalagyan nito. Ang gumawa ng Cup Noodles ay isang napaka sikat na tatak sa Japan.
Ang Universal Studios Japan ay isang sikat na amusement park sa Japan. Hindi lamang sa Japan may Universal Studios, mayroon din sa Singapore at America. Napaka raming atraksyon sa loob ng park na ito. Ang isa sa mga pinaka sakit ay ang Spiderman ride at ang Jurassic Park ride. Pinipilahan rin dito ang mga matatarik at mabibilis na roller coaster tulad ng the Hollywood dream na umiikot sa buong park habang may musikang tumutugtog sa inuupuan. Isa pa ang pinaka bagong bukas na “The Flying Dinosaur” kung saan ang mga sumasakay ay naka prone position Marami pang iba’t ibang puwedeng sakyan sa Universal Studios ngunit bukod dito masasarap din ang mga pagkain sa mga kainan dito.
Ontario, Canada ni: Cheyenne Reyes
Ang Canadian flag ay makikita sa halos bawat sulok ng bansang Canada at sa mga sikat na destinasyon nito. Idinisenyo ito ni George F.G. Stanley at makikita natin dito ang Maple Leaf na tinaguriang sagisag ng kanilang bansa.
Ito ang Rainbow Bridge na matatagpuan sa Niagara Falls, Ontario. Idinudugtong nito ang dalawang bansa: Amerika (U.S.A.) at Canada, ngunit ito ay para lamang sa mga turista na mayroong ‘travel visa’ ng parehong bansa.
Maraming magagandang talon sa bansang Canada at isa na rito ay ang Niagara Falls. Isa ito sa mga sikat na talon sa Canada dahil na rin sa ito ang tawag sa pinagsama-samang tatlong talon: Horseshoe Falls, American Falls, at Bridal Veil Falls.
Ang Floral Clock na ito na matatagpuan sa Queenston, Ontario ay isa ring sikat na destinasyon sa Canada. Ang mga bulaklak na inilalagay rito ay ipinoporma upang magkaroon ng maganda, detalyado at kakaibang disenyo sa malaking orasan na kanila naman iniiba dalawang beses sa isang taon.
Canada’s Wonderland ay itinuturing na ‘first major theme park’ at ang pinakamalaking ‘theme park’ sa bansa. Bukod sa ‘amusement park’, mayroon din itong ‘swimming pools’ at ito’y matatagpuan sa Vaughan, Ontario.